Tuesday, March 11, 2008

The Power of Words




Nakakatakot...
sa isang simpleng salita, nababago ang lahat...

Ngunit Nakakatuwa... dahil sa isang salita kaya mong baguhin ang buhay ng iba ...

Siguro nga sa buhay, ang salita ang pinakamabisang sandata, ngunit ang pinakamahirap gamitin.

"Sa isang salita, kaya mong wakasan ang lahat"

Minsan, may kaibigan ako, di kami nagkaroon ng magandang kombersasyon, at iyon - nabago ang lahat. Okey na naman kami ngeon. Pero siyempre, may ilangan. Maraming taon ang inaalagaan, ngunit sa isang maling sambit, habang buhay na naming pinagsisisihan. Sayang ang relationship diba?? Pero ganun talaga...

"Sa Isang salita, kaya mong magpaligaya"

Anu bang meron sa mga stand-up comedians? haha! Basta, pag nakikita ko sila natutuwa ako. Tawa ako ng tawa na parang wala nang bukas. Sa bagay? Kahit naman mga korning jokes ng mga prends ko natatawa ako.. haha! And thats the strengthening ingredients kung bakit hanggang ngayon okey kami. In fact, kahit malayo kami... We feel na nandyan pa rin kami para sa isa't-isa. Dahil mayroon kaming komunikasyon.

Dumating na ba sa iyong buhay na yung tipong down na down ka na, na halos sakalin mo na ang sarili mo dahil gusto mo ng mamatay, pero tatanggalin mo rin yung kamay mo dahil nasasaktan ka na't di ka na makahinga? Parang baliw lang diba? Siguro kailangan mo lang ng makakausap.

Pero pag nandyan ang friends, tawa ka ng tawa... na parang wala nang bukas. Wala namang nakakatawa? gusto mo lang talaga tumawa.

"Sa isang salita kaya mong magpagaling.."

Pero di ka naman siguro milagroso para buhayin ang namatay na langgam diba? Pero puwede mong pagalingin ang mga sakit sa puso (pipz, hindi hypertension ung sinasabi ko ha), ng mga damdaming lumuluha, nag-eemote!

Ang kailangan lang naman nila ay mga words of comfort. Kahit minsan sinasabi nila na ayaw nmila nang kausap at nag ta tantrums na sila ng parang sinasapian. Haikz, kulang lang sa atensiyon iyan. Kulitin mo lang, lapitan mo't sabihing, "nandito lang ako, parati sa tabi mo..." Naku, siguro naman titigil na yan sa pag-aamok.



Kung gaano natyin kailangan ang isang tao upang sabihin ang mga bagay na gusto nating marinig, ganun din nila tayo kailangan. Kailangan nila ng taong magsasabi na minamahal sila. At mapapakita lang natin iyon, kung hindi tayo manananhimik.

Sabi nila, "Actions are louder than words..." Pero kung puro actions ang papakita natin, Paano nila maiiintindihan o malalaman ang tunay na pangangailangan mo? Paano nila malalaman kung gaano mo sila kailangan... Di lahat ng bagay ay nadadaan sa haplos, sa yakap, at sa haplos uli. Dahil kamanyakan na yun, dba? "Your loved one's voice is music to the ear..." Kahit kasing garapal pa ng boses niya ang sinaunang megaphone, masarap na tinatawag tawag niya ang pangalan mo... Na parang alam mong nandyan siya... malapit lang siya... na mahal ka niya.

Yun lng.. Good Day Ebriwan!

Godbless^^



***credits:

pic from http://graphics.jsonline.com/graphics/owlive/img/sep02/9-11words091102_big.jpg

0 comments: