Lahat tensiyonado. Ang ate ko umiiyak, ang nanay ko natataranta, ako… chill lang! :P . Pero sa lahat, tatay ko ang pinakamalungkot. Pangalawang beses ko pa lang siya nakitang umiyak. Ang una, three months ago. Iyon ang petsa na sinabi ng lolo ko na may taning na ang lola ko. At ngayon yung pangalawang beses. Ngayon ang 3 months ago. Oo, ngayon.
Unang pagkakataon na mararanasan kong may binawian ng buhay sa pamilya sa amin. Ngayon ko lang din nakita kung paano mag rereact ang mga tao sa paligid ko. Ngayon ko lang nakita yung ate kong umiyak nang ganun, ngayon ko lang nakitang tutitig ang isang walang muang sa umiiyak na matanda. Nakatitig ang bata sa sa tatay ko. Nagtataka siya kung ano ang nangyayari. Kinuha niya ang pamaypay na hawak ko. At pinilit niyang paypayan ang tatay ko. Alam niya ang nadarama mga tao sa paligid.
Dito ko rin nalaman kung paano ako magrereact sa ganitong sitwasyon. Chill lang talaga ako. Ayoko umiyak. Hindi naman kasi mabubuhay ang lola ko kung iiyak ako. Ayokong magtantrums, dahil hindi ko naman ginagawa yun. Pinilit kong ngumiti, pinilit kong magjoke. Pero corny ata yung joke ko. Lalo silang naiyak. Siguro kung inulit ulit ko pa yun pinalayas na ko nang bahay. Hinayaan kong umiyak ang tatay ko. Pinilit ko siyang pakalmahin. Pinilit ko ring pakalmahin ang nanay ko na pinipilit pakalmahin ang tatay ko pero sigaw siya ng sigaw(naintindihan niyo ba?).
Kala ko okay ako. Pero habang sinusulat ko ito (at may isa akong kachat habang ginagawa ko ito) naiiyak ako. Ayoko munang ilabas. Mamaya na pag wala nang tao.
Natural lang siguro iyon, na naghihintay kang mapag-isa bago gawin ang isang bagay na importante sa buhay . Minsan, hindi sa kasiyaan ng ibang tao nahahanap ang solusyon. Kadalasan , sa pag-iisa. Kung kalian walang nakakakita, tiyaka ka nakakapag-isip. Kung kailan sa tingin mo ay wala nang direksiyon, tiyaka ka makakakita ng daan. OO, sa pag-iisa ko ginigugol ang kalungkutan. Kinakausap ang sarili, nilalabas ang sama ng loob. Sanay na ko. Dahil sa madilim na sulok, doon ko nakikita ang kapayapaan.
MAHAL TAYO ng DIYOS. Naniniwala ako dun. Magkakaron din ng kalutasan ang mga bagay bagay. Parte ng buhay ang kamatayan. Di mo nga lang alam kung kailan. Kaya dapat maging handa. sayang, di man lang nabasa ng lola ko ang tulang ginawa ko para sa kanya. Sayang, di man lang nasabi ng ate ko na mahal niya ang lola ko. Sayang, di namin nasulit ang huling dalaw ng lola ko. Medyo gasgas na itong sasabhin ko, habang buhay pa ang mahal mo, ipadama mo na. Dahil pag nawala na siya, di niya na malalaman kung gaano siya kahalaga.Angmasaklap pa..
nawawala ang tulang ginawa ko! waaHH!
hanapin ko n lang. popost ko d2 next tym.
MAHAL KO KAYO!
MAHAL KITA!
Godbless :)
***
Mama, wherever you are... I know you are happy. we love you...
I LOVE YOU!
This poem, I made it for your birthday..
AMPARO
To the one we love..
I opened my eyes taken care by you
The strong voice I got used to
The touches, the kisses, the hugs, the love,
All are cherished never unnoticed.
Your laughs, I want to see
Your despair, share it with me
Your struggles, it makes me weak
Your success, such a joy for me.
Your presence lingers
It is a protection from our fears,
A shield from adversities
Always be there for us, never let us down.
Thank you for your love,
the wisdom you'd shared,
and the care you are giving.
Your love will be remembered, forever.
I love you. We are here for you.
Don't lose hope for God is with you.
The strenght you once had,
Let the Almighty bring it back.
All the time you support us.
Giving our needs, fulfilling our wants.
Este Turno! to give something nack.
Muchas Gracias por ser nuestro -
Amparo.
too bad, di mo natanggap nung nandito ka pa kasama namen...
A classic lesson,
Let them feel that they are loved before its too late.
:D
thnkZ for reading :D
0 comments:
Post a Comment