Wednesday, November 12, 2008

Changes

No one really knows what lies ahead...

Isang tasang kape, dalawang tasa ng kanin, isang pirasong piniritong footlong, isang babasahin - ito ang tipikal na almusal para sa aken. Tatayo, uupo, tatayo, maglalakad, mag-iisip, mag-iisip, mag-iisip. DI naman alam kung ano ang dapat isipin o ano ang iisipin. Muni-muni, tatlumpung minutong pagmumuni.Bigla na lang ako mapapa "sh*T! Late na ko. WaaaaaaHHHH!!!"

Pagtapos ng dalawang taon, ngayon na lang uli ako nagkaroon ng pang-umagang pasok. Alas siyete y media ng umaga ang klase. Alas sais ng umaga dapat nakaalis na. Para sa isang batugang tulad ko na ang alam lang ay magbilang ng buhangin, mahirap gawin 'to. Dati ang gising ko ay alas otso. Iyun na ang pinakamaaga. Nakakakain pa ko ng marami, nakakapanuod ng spongebob squarepants sa channel payb. Pero ngayon? Di ko na mabuksan ang tv. Kung makakanuod man ako, replay na documentary lang ang makikita ko. Kung ililipat ko naman ang istasyon, bukod na malalate ako dahil sa kalibangan, magagalit pa sa akin ang ate ko pag nagsing sila dahil sa *ehem* GOLDEN VOICE ko na medyo nawalan ng kinang sanhi ng tinatawag na "pagbibinata." Ang masaklad pa, alas sais dapat ang alis ko, pero alas sais din ang gising ko. DI na ko nakakakain, ligo na lng at tutbrus at 30 minutes na pagmumuni-muni .

Kumakaripas ng takbo, dali-daling pumapara, masama kung lalagpsan ka pa ng bus at punuan. Hindi pwendeng mamili ng sasakyan. Malas pag buhayang tsuper pa ang masasakyan mo. Magbabasa na lang ako sa bus ng mga librong na kung babasahin mo ay para kang kinakantahan ng lullaby dahil sobrang nakakaantok. Dagdag pa ang pagduyan sa iyo ng bus na pinong-pino. HUwag lang sana mapahimbing kundi lalagpas ka sa dapat mong babaan.

Mahirap ang pagbabago - NAKAKATAKOT. Di mo alam kung ano ang dapat maramdaman at ano ang dapat gawin. ANo ba ang pagbabagong nangyayari? Para sa ikabubuti ko o ikasasama ko? Maraming magsasabing, mabuti yun, pero may nagsasabi ring hindi.

Sino ang papakinggan ko?

Makikinig ba ko sa TNP o sa mga taong nakapaligid sa akin?

Sino papakinggan ko?

Ang aking utak, puso, atay, tiyan o balunbalunan?

Mahirap talikuran ang isang bagay lalo na't kung ito ay nakasanayan mo na.

I badly miss spongebob squarepants, patrick, Mr. Krabs, Squidward, plankton, gary, sandy and the rest. I miss having push-ups and curl-ups after waking up . But what can I do? If I would not adopt to the changes, mapag-iiwanan ako.

"If I change, Everything Changes"

Kung patuloy tayong magmumukmok sa saya ng nakalipas o sa dilim ng naraan, di natin makikita ang magandang kasalukuyan at mapangarap na hinaharap. Kung ano ang nakaraan, di na iyun magbabago. Kung ano ang hatid ng hinaharap, walang nakakaalam.
TAnging ang kasalukuyan ang nasa ating mga kamay. Kung anong meron, enjoy! wag isipin kung ano ang wala kahit na ito ay mas madaling makita.
Katulad ng pagwala ng kinang ng golden voice ko, ayun naman ang pagkamulat ko sa katotohanan na hindi lahat ng bagay ay permanente. Na minsan, mayroon tayo, at bukas, maaaring mawala ito. At pag nawala na, wala na talaga. Wala nang magagawa.Di dapat malungkot, dahil makakasama lang ito. Dapat ngumiti at umasa sa mas magandang darating.
Katulad ng pagbago ng sched ko, nabawasan na ang masarap na buhay ko. Ngunit matututunan ako nitong madisiplina.
Masakit ang pagbabago, pero kung masaya.
Maaring madapa, pero hindi masamang bumangon.
* * *
Kakaliwa, kakanan, diretso, natapilok, walang nakakita, takbo na sa klasrum! nandun na ang prof!

CiaO!

0 comments: