Friday, February 29, 2008

Stupid love


"(STUPID) Love, soft as an easy chair
(STUPID) Love, fresh as the morning air
(STUPID) Love, that is shared by two
(STUPIDO) Love, that I found in you..."

hehhe..

napakanta ka nu!

haaay, napakasarap ng pakiramdam pag inlove...

minsan nawawala sa iyong kamalayan na nagiging baduy ka na - mas baduy pa sa baduy. Iyung tipong pinandidirihan ka na ng tao at ang nakaka appreciate lang eh ung "minamahal" mo.

Pero kung gaano kasarap ang paglipad, ganun din naman kasakit ang bumagsak. Sa buong akala mo may sasalo sa iyo, iyon pla aspalto lang ang kakabagsakan mo. Haikz, akala mo kac ikaw si superman...

Pero bakit kaya kahit paulit-ulit na nasasaktan, eh paulit ulit pa rin na umiibig?
Siguro nasa lahi na ng tao ang pagiging makulit. Ika nga, "try nd try until you DIE.", este, succeed pla.

Pero ano ba ang mas malalim na paliwanag ukol dito? Ang mga sumusunod ay sariling pananaw ko lang:

*Dahil mahirap mag-isa

Oo, mahirap mag-isa. Mahirap makita ang kaligayahan sa pag-upo lamang sa isang sulok at tanawin ang kadiliman.

Kanina nga may nagtext saken. Ang sabi, "mas masarap pla kumain ng canton na kasama ang kaibigan kaysa manood sa punchline..."

Pero malamang kung ako iyon me-eenjoy ko ang punchline. heheehe... Mas mahal ang entrance fee sa mga comedy bar (250 daw) kesa sa pag kain ng kanton (7, pede na pangshare!).
Pero mas nakakita ng kaligayahan sa mumuting bagay ang taong ito. Dahil siguro iyon ay may halong Love-ah! hehe.. cnu kaya kasama niya kumaen ng canton?

*Dahil kahit anong gawin mo, nakatakda kang may makasama

No man is an island.
ako lang. hehehe, at kahit anong gawin kong pag-iisa, laging may susulpot na (mga) tao upang paligayahin ako, asarin, patawanin, paiyakin, paasahin... (nageemote?)

Pero kahit gaano ka ka-loner, maghahanap at maghahanap ka ng makakasama, kahit tulak pa man ng puso o tulak ng katawan. At kahit gaano mo man itaboy ang mga nilalang, (either tao man yan o hayop), may maglalakas ng loob na lapitan ka, awayin, at ipamukha sa iyo na ang daigdig ay hindi mo solo at kailangan mong ibahagi ito sa iba.

Bakit kaya hindi pwede maglaro ng nanay-tatay mag-isa? Bakit kaya hindi pwede mabuntis ang babae ng hindi nag-aano? bakit kaya di pwede ang banda na vox lang? o kaya isang guitarista lang? Lahat ng bagay, kakailanganin mo ng makakasama, temporary man o permanent, kailangan mong mag mahal.

*Dahil hindi masaya ang mundo kung wala kang kasama sa mga bagay-bagay

Kadalasan, mag-isa lang ako umuuwi mula eskuwela. Ginagawa ko sa jip? Nakikisabay sa tug-tog, natutulog, tatanaw sa bintana, mag-iisip. at bukas, ganun uli, at ganun. Alang bago. Pakiramdam ko ang kalahating oras ko dun ay buong araw na pagbiyahe. Pero pag may kasama ako, kahit 2 hours ang biyahe, parang 30 minutes lang.

Pag naglalaro ka ng PS2, diba mas masaya kung meron kang kasama? Kung wala, parang wala lang. Nagkaroon ka ng kasiyahan ngunit hindi kaligayahan. Pag mag-isa ka lang, walang bago. Walang memorable. Pag may kasama ka, memorable diba. Minsan pagtapos niyo mag-bonding, kinagabihan bago matulog, maalala mo ang mga nangyari, tapos ngingiti-ngiti ka, tapos para ka nang baliw.

"Mas masarap pag may ka-share..."

*Bakit ka pa uulit, kung alam mong ganun din ang mangyayari?

"The riskiest thing to do is not risking at all."
We cannot find success if we given up on the first failure. MInsan akala mo ikaw na ang pinakakawawa. Halos iuntog mo na yong sarili sa pader sa sobrang upset. Haikz, tandaan mo, kung anong pinagdaanan mo, pinagdaanan din ng ibang tao. Ano kung binasted ka niya? Malas niya! ang pogipogi mo tapos ayaw niya seo. walang taste. eww,! O kaya anu naman kung ayaw niya sa iyo? You deserve someone better.

Kung magpapatalo ka lang sa takot sa pagpapatay ng steel chon-chon, alang magyayari. Habang buhay ka lang level one. Kung takot kang lumusob at patayin ang kalabang hero, puro creeps lang ang mapapatay mo. walang improvement. Kung puro Introduction ang babasahin mo, ala kang matatapos.

Ganun din sa buhay, kung takot kng masaktan uli, pinagdadamutan mo ang sarili mo na maging masaya.

Kailangan sumubok, malay mo ang di mo inaasahan, iyon pala ang habang buhay mong makakasama. marami kang pinalagpas na opportunity. Dahil sa takot, nawalan ka ng kaligayahan.

"So many times
When my heart was broken
Visions of you
Would keep me strong..."
-First Belived(hoku)

Masarap lumipad, masakit malaglag, pero di ba mas masarap kung lilipad ka uli? Mas mataas, ngunit mas maingat..

GODBLESS Ebriwan!