Bago ko simulan ang gusto kong sabihin, kanina nanuod ako ng news. Inumpisahan ang balita sa pagkapanalo ng Ateneo laban sa La Salle. "Congrats sa Ateneo" iyan ang nasa isip ko. Pero mayamaya nang mapagtanto ko na dalawa (o tatlo, ay apat ata) na segment ang nilaan para dito, nasambit ko ang mga katagang, "uunlad ba ang Ekonomiya ng Pilipinas pag nanalo ang Ateneo sa laban?" Narinig ito ng nanay ko na nagreact ng isang malaking,"HA??!" Nasa loob-loob ko, paktay?! Fan ba ng Ateneo o La Salle ang nanay ko? Ang ex niya ba ay galing dun? Magkano ang ikakaltas niya sa baon ko? Magiging tinapa na lang ba ang araw-araw kong baon na scrambled egg at hotdog (minsan meatloaf o longganisa para may variation. Pero kanina espesyal kasi ang parkner ng itlog ko ay kornd beep) ? Pero ito ang sinabi ng nanay ko, "Ay oo. Mayayaman yang mga yan." Haaaii... buti na lang hindi niya ko naintindihan. Biyaya pala na bulol ako. Grabe, para akong nabunutan ng makulet na tinga sa may bandang first molar. Whatta relief!
Hindi naman ako bitter sa Ateneo o La Salle dahil hindi kasama ang *ehem* school namen sa UAAP. Pero napapansin ko lang na pumapanget na ang quality ng mga primetime news ngayon. Minsan ang news sa isang channel ay ang siya ring ipapalabas maya-maya sa isang channel. Ang balita sa umaga ay ang balita sa tanghali at sa gabi. Minsan nga balita kahapon ay ang balita rin ngayon. Para kang kumakaen ng scrambled egg araw araw. Ang matitinong mga balita(documentaries, ettc.) ay napapanuod na lang sa oras kung saang gising na ang mga bampira, tikbalang at mga surot na nangangagat. Tapos parang wala ng constant flow ang mga news programs. Sa abot ng memorya ko, nung bata ako laging una ang welcome, tapos, balita sa krimen, tapos balita sa sport, tapos showbiz, then international , tapos balita sa panahon (hinuhuli ata talaga ito para lubos na mag-abang at makinig ang mga estudyanteng tulad ko na naghahangad masuspend ang klase), tapos ba bye na tapos kunwari mag uusap pa ang mga hosts pero nakadim light. Ano kayang pinag-uusapan nila?
Oo, iniisip mo siguro na may katulad ang mga ideya na sinulat ko sa taas. Medyo fan kasi ako ng "magaling" na writer na si Bob Ong. Akusahan mo na akong plagiarist pero kaya ko nagustuhan ang sulat ni Bob Ong ay dahil may similarities kami sa experiences at ideas. Gusto ko nga sana siyang makita at makamayan dahil marami akong natutunan sa kanya (tulad ng kung paano itrato ang mga hayop, ano ang pinagkaiba ng pagsakay sa eroplano't barko, mga inventions due to necessity, paano pumatay ng ipis, paano maka cope up sa college, at mga ideyang simple, nakakatawa, pero patama).
At ito na! ang pormal kong post (depende kung ano ang depinisyon mo ng pormal).
*Indi ko pa rin alam ang title*
Kanina nagpunta kami sa SM Centerpoint (bayaran niyo ko sa pagaadvertise). Kumaen muna kami sa KFC. Hawak hawak ng klasmeyt ko ang "bonggang bongga" niyang cellphone na lagi kong hinihiram. Masaya kaming kumaen, nagpicture taking, kumaen, nagtawanan, kumaen, nag-asaran at kumaen. Matapos kumaen, pumunta na kaming baggage counter para ipatago ang bags namin kahit di naman kami papasok ng supermarket. Gusto kong hiramin ang "bonggang bonggang" cellphone ng klasmeyt ko... Kaso nahihiya pa ako magpaalam. Maya maya, umakyat na kami sa 3rd floor para mag Quantum(kung binabayaran lang ako sa pag-aadvertise...) Kaya lang may nangyari. Isang kagimbal-gimbal, pambihira, at nakakalungkot na kaganapan, NAWAWALA ANG BONGGANG BONGGANG CELLPHONE NG CLASSMATE KO. ANg ginawa niya, tinanong niya kami isa-isa. Nagtanungan naman kami dahil baka joke joke lang ang mga nangyayari. Kasi minsan, sa mga mukha ng close na kabarkada, di mo na alam ang hitsura ng katotohanan at PRACTICAL JOKE. Nang mapagtanto namen na hindi na biro ang mga nagyayari, NAWAWALA TALAGA ANG BONGGANG BONGGANG CELLPHONE NG CLASSMATE KO. Edi hindi sila mapakali, (habang ine-enjoy namin ang paglalaro sa amusement park na nabanggit. ganyan pag true firends! hehe). Pero deep inside, nag-aalala na rin ako. Pano ung mga bago kong pix sa phone na iyon? Di pa na a upload? Yung video rin paano na? Kanino na ko magpapapiktyur ?(joke lng klasmeyt). Mahal ang BONGGANG BONGGANG cellphone na iyun. Nakakapanghinayang. Pero mas nalungkot ako sa hitsura ng classmeyt kong iyon. DI naman siya nagtrasform bilang hayop, malungkot lang talaga siya. At kahit anong tago niya sa nararamdaman niya, alam namin na nag-aalala siya. Kaya kami, moral support na lang. DI naman lalabas ang cellphone niya kung iiyak kami lahat. Kaya pinilit na rin naming maging masaya para magkaroon ng magandang ambiance. Hanggang nasambit na lang niya na,"wala na iyon." Sabi ko naman sa kanya, "nu ka ba?! makikita mo pa iyon." Kahit na sa loob loob ko ay nawawalan na rin ako ng pag-asa na maa-upload pa ang mga pictures ko doon.
HIndi ko alam kung hahangaan ko siya kasi handa siyang tanggapin ang nangyari o sasabihing sana binigay mo na lang sa akin ang BONGGANG BONGGANG cellphone mo. Pero siguro nga, ang kaligayahan ay di laging nakukuha sa pagkakaroon ng isang bagay (example, ang NAWAWALA ANG BONGGANG BONGGANG CELLPHONE NG KLASMEYT KO) . Nagsisimula rin ito sa pagsuko ng hindi mo na kayang hawakan. Mahirap. Pero unti-unti, nararamdaman mong wala ng bigat.
At doon papasok ang kwento sa masakit kong ipin. Nung nakaraang buwan, laging masakit ang ngipin ko. Parang isang buong araw lang naman akong di nagtutbras at kumaen ng sandamakmak na minatamis, nagtampo na kaagad ang ngipin ko! Isa sa mga mabisa at hindi mahal na paraan para maalis ang sakit ng ngipin ay ang pagmumog ng tubig na nilagyan ng asin. Eepekto ito ng mga after 15 minutes. Pero mga 30 minutes lang din mawawala ang sakit. Ang masaklap, pag magmumumog ka uli ay dapat taasan mo ang content ng asin. Umabot ng mga tatlong araw na iyun ang remedy ko sa sakit ng ngipin. Hanggang umabot sa punto na ang minumumog ko na ay asin na nilagyan ng tubig. I cannot take this anymore!! Mami!! PAPABUNOT NA KO! Pero dahil masakit pa ang ngipin ko, hindi ako dinala sa dentista. Isa ito sa mga pinakamiserableng parte ng buhay ko. After a week ng pagtitiis ko, tinanong ako ng nanay ko kung masakit pa ang ngipin ko. Sabi ko hindi na (kahit halata sa mukha ko ang pagkirot ng ngipin). Iyon ay dahil gusto ko nang matapos ang problema. Naisip ko kasing di naman talaga palaging masaya ang buhay. Minsan kailangan kong aminin na hindi ko na kaya. Kaya iyon, pagdating sa dentista, di rin ako binunutan. Di na rin ako bumalik sa dentista. DAhil sa pagtanggap ko na hindi ko na kaya, natuto akong bumangon at muling maging masaya. Hayop na ngipin yaN! Gagaling din pala! Sa ngayon hindi na masakit ang ngipin ko. Humahanap na lang ng tiyempo paa ipabunot.
Pero baka tsaka ko na uli maisipan magpabunot kapag sumasaket na uli. Ayoko kasi yung pakiramdam na parang may kulang e. Pero naisip ko (uli) kanina, aanhin ko ang kumpleto kung ang isang parte nito ay nagbibigay ng matinding pasakit? Mabuting kulang, basta maging masaya ako. Kaya siguro pagtapos ng ginal exams, magpapabunot na ako. At sana, makita na ang BONGGANG BONGGANG CELLPHONE ng klasmeyt ko.
At dito na matatapos ang post ko. Sana ganito na ang quality ng mga news ngeon.
Pag ni-feature nila ang mga ganitong balita, baka sumipag magtrabaho ang mgamamamayang Pilipino. Dahil pipiliin na lng nila patayin ang TV at gumawa ng something productive.
ciaO!
Ung mga kasama ko kanina, SALAMAT!
Ivan, ROmeo, Erika, Mikko R., Mikko M., Marlyn, at Darryl
Sa lahat ng bumasa, GODBLESS!
Sep. 27, 2008 3:00 am
Hindi naman ako bitter sa Ateneo o La Salle dahil hindi kasama ang *ehem* school namen sa UAAP. Pero napapansin ko lang na pumapanget na ang quality ng mga primetime news ngayon. Minsan ang news sa isang channel ay ang siya ring ipapalabas maya-maya sa isang channel. Ang balita sa umaga ay ang balita sa tanghali at sa gabi. Minsan nga balita kahapon ay ang balita rin ngayon. Para kang kumakaen ng scrambled egg araw araw. Ang matitinong mga balita(documentaries, ettc.) ay napapanuod na lang sa oras kung saang gising na ang mga bampira, tikbalang at mga surot na nangangagat. Tapos parang wala ng constant flow ang mga news programs. Sa abot ng memorya ko, nung bata ako laging una ang welcome, tapos, balita sa krimen, tapos balita sa sport, tapos showbiz, then international , tapos balita sa panahon (hinuhuli ata talaga ito para lubos na mag-abang at makinig ang mga estudyanteng tulad ko na naghahangad masuspend ang klase), tapos ba bye na tapos kunwari mag uusap pa ang mga hosts pero nakadim light. Ano kayang pinag-uusapan nila?
Oo, iniisip mo siguro na may katulad ang mga ideya na sinulat ko sa taas. Medyo fan kasi ako ng "magaling" na writer na si Bob Ong. Akusahan mo na akong plagiarist pero kaya ko nagustuhan ang sulat ni Bob Ong ay dahil may similarities kami sa experiences at ideas. Gusto ko nga sana siyang makita at makamayan dahil marami akong natutunan sa kanya (tulad ng kung paano itrato ang mga hayop, ano ang pinagkaiba ng pagsakay sa eroplano't barko, mga inventions due to necessity, paano pumatay ng ipis, paano maka cope up sa college, at mga ideyang simple, nakakatawa, pero patama).
At ito na! ang pormal kong post (depende kung ano ang depinisyon mo ng pormal).
*Indi ko pa rin alam ang title*
Kanina nagpunta kami sa SM Centerpoint (bayaran niyo ko sa pagaadvertise). Kumaen muna kami sa KFC. Hawak hawak ng klasmeyt ko ang "bonggang bongga" niyang cellphone na lagi kong hinihiram