Friday, November 28, 2008

Supply Chain Management

Damn Regret (Acoustic) - The Red Jumpsuit Apparatus

Himala. Since nung pasukan, kinasanayan ko nang gumising ng alas tres ng madaling araw. Wala namang gagawin, magmumuni-muni lang tapos kakaen nang marami dahil madalas kong nai-skip ang dinner ko. Himala. Kasi ngayong araw alas nueve y media na ko gumising. Pero di mawawala ang pag mumuni-muni. Naimagine ko kanina na meron ang bahay. Hindi lang basta-basta bahay. Isang glass house. Na nagtatakbuhan ang mga anak ko (oha! haha) May garden, tapos may pilipit na hagdanan at may chandelier na red and cream ang kulay at mahaba. At siyempre nandun si labs (sa chandelier nakasabit? haha) sa iniimagine kong bahay. Then ung bahay, may basement, isang kuwarto para sa akin kung saan pede kong gawin ang pagmumuni-muni ko. Tapos bigla kong naisip, 'awts. MAHAL YUN! Wag yun! MAHHAAALL' Tapos bigla kong naisip kung may tatlo kaming katulong sa laki ng bahay na iyon, 15,000 yun, tapos magkano pa kuryente nun. MAHAL talaga. Kaya dali-dali kong pinalitan ang iniimagine ko kasi nakakadepress. Inimagine ko na lang na magkasama kami ni labs, napag-uusapan namin ung future house namen, tapos sabi ko sa kanya,", gusto mo ba ng malaking bahay? gusto ko kasi sana simple lang. May rooftop lang masaya na ko. Ayokong masanay mabuhay ng magarbo kasi baka kainin tayo nito."

At dahil imagination ko iyon, wala siyang magagawa kundi sabihin ang matamis na,"OO, okey lang. Basta magkasama tayo."

Natapos ang nakakadepress na pagmumuni-muni. ONE GOOD DAY COMING UP! Dahil wala akong makaen, pumunta na lang akong PC shop para dun mag-almusal. Isang masarap na burger ni LUZ at RC softdrink. SAbay nagbukas ng friendster account, at nabasa ang isang post sa bulletin galing sa isa kong friend.

at ito yun,

* * * * *





Subject: THIS ONE IS NICE. AWWTS. TINAMAAN AKO hehe
Message:
Tumatanda ka na, Kaibigan!!!
Nasa Friday Magic Madness na yung mga paborito mong kanta. Nakaka-relate ka na sa Classic MTV.
Lesbiana na yung kinaaaliwan mong child star dati.
Nanay at tatay na lagi ang role ng crush na crush mong matinee idol noon .
Dati, pag may panot, sisigaw ka agad ng "PENDONG!".
Ngayon, pag may sumisigaw nun, ikaw na yung napapraning.
Parang botika na ang cabinet mo.
May multivitamins, vitamin E, vitamin C, royal jelly, tsaka ginko biloba.
Dati, laging may inuman. Sa inuman, may lechon, sisig, kaldereta, inihaw na liempo, pusit, at kung anu-ano pa.
Ngayon, nagkukumpulan na lang kayo ng mga kasama mo sa Starbucks at oorder ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon.
Ang dating masasayang tawanan ng barkada sa canteen,
napalitan na ng walang katapusang pagrereklamo
tungkol sa kumpanya ninyo.
Wala na ang best friend mo na lagi mong pinupuntahan
kapag may problema ka..
Ang lagi mo na lang kausap ngayon e ang kaopisina mong hindi ka sigurado kung binebenta ka sa iba pag nakatalikod ka.
Ang hirap nang magtiwala!
Mahirap nang makahanap ng totoong kaibigan.
Hindi mo kayang pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw sa opisina.
Kung sabagay, nagkakilala lang kayo dahil gusto ninyong kumita ng pera at umakyat sa tinatawag nilang "corporate ladder".
Anumang pagkakaibigang umusbong galing sa pera at ambisyon ay hindi talaga totoong pagkakaibigan.
Pera din at ambisyon ang sisira sa inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay mo.
Alipin ka na ng Meralco, PLDT, SkyCable, Globe, Smart, at Sun.
Alipin ka ng Midnight Madness.
Alipin ka ng tollgate sa expressway.
Alipin ka ng credit card mo.
Alipin ka ng ATM.
Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong instant pancit canton.
Ngayon, dapat may kasamang italian chicken ang fettucine alfredo mo. Masaya ka na noon pag nakakapag-ober- da-bakod
kayo para makapag--swimming.
Ngayon, ayaw mong lumangoy kung hindi
Boracay o Puerto Galera ang lugar.
Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin pomelo.
Ngayon, pagkatapos ng ilang bote ng red wine, maghahanap ka ng San Mig Light o Vodka Cruiser.
Wala ka nang magawa.
Sumasabay ang lifestyle mo sa income mo. Nagtataka ka kung bakit
hindi ka pa rin nakakaipon
kahit tumataas ang sweldo mo.
Yung mga bagay na gusto mong bilhin dati na sinasabi mong hindi mo kailangan, abot-kamay mo na.
Pero kahit nasa iyo na ang mga gusto mong bilhin, hindi ka pa rin makuntento.
Saan ka ba papunta?
Friend, gumising ka.
Hindi ka nabuhay sa mundong itopara maging isa lang
sa mga baterya ng mga machines sa Matrix.
Hanapin mo ang dahilan kung bakit nilagay ka rito.
Kung ang buhay mo ngayon ay uulit-ulit lang hanggang maging singkwenta anyos ka na, magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula, isipin ang mga tao at mga bagay na nagpasaya sa yo.
Balikan mo sila.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo.
SA TOTOO LANG...

* * * * *

Awts. Tinamaan din ako eh. May plano na ako kung paano gagamitin ang finances ko in the future. May allocation na ako kung para saan doon ang pang-ipon, para saan ang pag-gastos, at kung ano ang mga essential na bagay na dapat bilhin.

Pero sasabay nga rin ba ako sa agos ng aking sweldo at sa agos ng mundo? Makakalimutan ko kaya ang mga taong kasama ko sa laban para maabot ang pangarap? Ang mga taong nakakapagpasaya sa akin? O ako kaya ay makakalimutan nila?


Masaya mabuhay kung alam natin kung paano gamitin ang meron tayo sa ngayon, dahil baka kung anong meron tayo ngayon, ay siya rin mawala bukas. Mawawala, either by our decision or by fate's decision. But it is ours who hold our fate. So by simple analogy, therefore, our decision is our fate.

Masaya na akong nakakapagdance revo kasama ang barkada, masaya na akong kumakaen ng burger, nakikipagpitikan, tumatambay sa Quiapo, nakikipagchat, nakikikanta kahit wala sa tono, at iba pa. At kung mawawala iyun, baka mawala na ren ako. Magbabago ba ako? SAna hindi. Magbabago rin ba kayo? Sana hindi...


Je vous Aime mes amis!!!!