Ang Paborito kong ekspresyon nung ako'y nasa unang baitang ng kolehiyo.
"EWAN KO BA"
Natatandaan ko noon habang binibilang ng kamag-aral ko kung ilang beses kung binanggit ang salitang yan.
"EWAN KO BA"
May mga bagay sa mundo na hindi natin alam kung bakit nagaganap. Kung bakit kailangan mangyari. Kung bakit ganito, kung bakit ganyan?
"EWAN KO BA"
Maraming bagay ang hindi naten nalalaman. Mga kapangitan na nakukubli sa kagandahan ng nakikita. At kasawiang nakatago sa mga matitingkad na ngiti.
"EWAN KO BA"
Dadaan ang kasalukuyan na parang kumakaripas na hangin, Maalala ang nakaraan na may ngiti o sakit... Mababanggit ang mga katagang, 'kung sana lang...' AAsa sa magandang hinaharap kahit ang pighati ay matindi.
Ewan ko ba...
Kung bakit pa darating ang bukas kung ang mangyayari ay pareho lamang ng kasalukuyan.
Ewan ko ba..
Kung bakit kailangan may dumating, at pag napamahal, siya'y lilisan din.
Kung bakit sa sampung darating na mga kaibigan, iisa lamang ang maiiwan.
Kung bakit masasaktan pag naaalala ang masasayang sandali...
Kung bakit tinatawanan na lng ang mgap agkakamali sa nakaraan.
Ewan ko ba...
Kung bat kailangan ipanganak kung tayo'y lilisan din.
Ewan ko ba...
kung bakit kinakailangan ng makakasama gayong pwede namang mabuhay mag-isa.
Maraming katanungan, nasaan ba ang kasagutan? Ewan ko ba kung bakit may mga bagay na mabuting nakatago na lang at hndi na kailanman makita pa. Ewan ko ba kung bakit kailangan na lamang ngumiti, sumabay sa agos ng buhay.
Ewan ko ba, kung ba't may mga katanungan na hndi na kailangan ng kasagutan.
Saturday, February 7, 2009
Ewan Ko Ba
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment